Parusang maaaring ipataw sa mag-aaral na nagsisinungaling lamang na biktima ng bullying
- BULGAR

- Feb 18, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang maaaring gawin o ipataw ng paaralan sa estudyante kapag ito ay mapatunayang nagsinungaling lamang o gumawa ng kuwento na siya ay biktima ng bullying? — Seth
Dear Seth,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 10 (B) (i), Rule VI ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013” ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit na panuntunan:
“B. Procedures.
xxx.
i. False Accusation of Bullying
If the student, after an investigation, is found to have knowingly made a false accusation of bullying, the said student shall be subjected to disciplinary actions or to appropriate interventions in accordance with the existing rules and regulations of the Department or the private school.”
Base sa nabanggit na panuntunan, ang estudyanteng mapatutunayang gumawa ng maling akusasyon kaugnay ng bullying ay mapapatawan ng kaukulang pagdidisiplina at tamang paggabay sang-ayon sa mga umiiral na patakaran at regulasyon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng paaralang kanyang kinabibilangan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments