top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Next Dolphy… PIOLO, NAG-KOMEDYANTE NA 'WAG LANG MALAOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2019
  • 2 min read

NAG-ENJOY kami sa panonood last Sunday night ng sitcom na iniwan ni John Lloyd Cruz, ang Home Sweetie Home.

Nu’ng una, nami-miss pa namin si Lloydie bilang si Romeo na mister ni Julie (played by Toni Gonzaga). But it seems lately, Piolo Pascual is coping up beauti­fully bilang member of the cast.

Seated on the floor with us ay ‘yung neighbor naming si Joy Dominguez and also, ang apo naming si Cheska.

Sabi ni Joy, “Mukhang swak na swak na talaga ang tambalan nina Toni at PJ (Piolo).”

Aba’y may biglang nagsalita sa likod namin, “Oo nga, bagay nga sila, parehong ‘pangahan.’”

Aba’t ang kasama namin sa bahay na si Melai, nakisali sa usapan at inokray pa nito sina Toni at Piolo!

Pero sa totoo lang, malaki ang in-improve ng nasabing sitcom. Mas nakaka­tawa na ang mga eksena nito ngayon.

On the part of Toni, ang laki ng igi­nanda nito after having been married at pagkatapos manganak. True ‘yung sinabi ni Melai na may “panga” nga ito, pero kung noon, very conscious si Toni sa part na ito ng mukha niya, now, she has learned to improve her looks tremendously.

Pati kilos niya, classy na. At ang weight niya, na-maintain niya after giving birth, unlike Rufa Mae Quinto na hindi yata kinayang ibalik ang kanyang sexy look. Mukha na yatang lumba-lumba si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae).

And true, very prominent din ang jaw ni Piolo, pero kayang-kaya nitong dalhin. He looks great at pogi in spite of being “pangahan”.

Looking serious, he is able to elicit laughter from the audience dahil mukhang inosente siya to the extent na minsan ay mukhang tanga na nga.

Malay natin, baka in the future, instead of being known as a matinee idol, maging tulad ni Dolphy na magaling na comedian si PJ. Mas may pag-asa pa siyang mag-stay nang mahaba sa showbiz if he becomes a comedian, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page