NBA ALL-STAR KING: DIALLO, DINAIG SI SMITH SA SLAM DUNK


IPINAKITA ni Rookie Hamidou Diallo ang kanyang husay sa imahinasyon at 44-inch vertical leap upang masungkit ang karangalan bilang NBA’s Slam Dunk King kahapon sa NBA All-Star Week sa Spectrum Center.
Kinailangan ng Oklahoma City Thunder guard ng iskor na 43 upang pagwagian ang ikalaw aat huling dunk ng finals para manaig kay New York Knicks guard Dennis Smith Jr. para sa korona. Tinawag ni Diallo si rapper Quavo para hawakan ang bola at ipuwesto sa ulunan nito, mula sa malayong bahagi nang court ay tumakbo siya at lumundag mula sa tiyempong lakad, lumundag at dinampot ang bola sa ulo ni Quavo para gawin ang two-hand jam. Iniskoran siya ng 45 sa naturang dunk. “ Atmosphere was great,” ani Diallo. “I just came out and gave the crowd what they were looking for.”
May mga props at propellers pa ang iba, guest appearances kaya may perfect 50 pa, pero sa pagtatapos ng contest si Diallo ang naghari, siya ang second-round pick ng Kentucky na dating five-star recruit noong high school.
Samantala, sa estilo naman ni Smith hinila niya si Dwayne Wade at Stephen Curry sa gitna ng court pero 38 lang ang iskor niya sa unang dunk sa finals. Pinatayo ni Smith si Wade sa gitna ng lane nakaharap sa basket habang si Curry ay nasa kanan ni Wade.
Pinatalbog ni Curry ang bola at lumundag si Smith kay Wade, hinuli ang bola at saka isinalaksak ito sa bisa ng right-handed windmill para sa perpektong 50 puntos, sigawan ang fans pero may ilang nag-boo sa crowd. “I was a little nervous,” ani pa ni Diallo, at idinagdag na ihahandog niya ang golden basketball trophy sa kanyang ina.
Sa kanyang unang finals dunk, pinatalbog ni Diallo ang bola sa kanang bahagi ng rim at kinuha ito para sa pagbasket at umiskor ng 43. Sumablay si Smith ng dalawang dunks sa unang banat sa finals at binigyan ng 35 score. (MC/ATD)





Comments