Nang-rape ng dalagita tiklo
Pabs Hernandez III
Feb 18, 2019
1 min read
CABANATUAN CITY—Isang lalaki ang dinakip ng pulisya dahil sa panggagahasa sa 15-anyos na dalagita, kamakalawa sa Bgy. Bitas sa lungsod na ito.
Kinilala ang suspek na si John Llarves, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, matapos ang panggagahasa ay agad humingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktimang itinago sa pangalang “Nancy” kaya nadakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Llarves nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments