Menor-de-edad nireyp ng kapitbahay

PINASOK ng kapitbahay ang bahay ng menor-de-edad na babae saka ginahasa sa Bgy. Laguna, Gumaca, Quezon.
Batay sa pahayag ng biktimang si alyas Joy, pasado alas-2:00 ng madaling-araw nang magising siya at makita ang suspek na si alyas Bubot.
Tinakot umano siya nito hanggang sa tuluyang ginahasa.
Nagbanta pa umano ito bago umalis na ikakalat ang nangyaring insidente kung magsusumbong ito.
Sa isinagawang follow-up operation ng kapulisan, nadakip ang suspek habang nasa pangangalaga ng DSWD ang biktima.





Comments