Discount sa gamot, transportasyon at iba pa, hatid ng PCUP para sa masa!
- Alvin Feliciano
- Feb 18, 2019
- 1 min read

MARAMI ang nagtatanong kung ano ang iba pang priority programs ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP para sa maralitang Pilipino.
Para sa inyong kaalaman, bukod sa PCUP Caravan, mayroon tayong tinatawag na Urban Poor Privilege Card kung saan hindi na kailangan ng mga kababayan natin na maging senior citizen upang magkaroon ng diskuwento sa medisina, transportasyon at iba pa.
Tanong: Sinu-sino ang mga maaaring magkaroon ng privilege card mula sa PCUP?
Sagot
Nasa proseso pa ng pagre-review ng mekanismo at hakbangin ang PCUP para alamin ang mga magiging kuwalipikadong benepisaryo ng naturang privilege card. Sa ngayon, mga kababayan nating nasa iba’t ibang resettlement/relocation sites ang natitiyak nating mabibigyan ng Urban Poor Privilege Card.
Para na rin sa inyong dagdag-kaalaman, patuloy na nakikipagdiskusyon at umiikot ang PCUP sa iba’t ibang pribadong kumpanya upang mas mapalawak ang sakop ng Urban Poor Privilege Card. Mayroon na ring ilang bus companies, review centers, botika at pera-padala ang nagbigay-suporta at tumugon sa adhikaing ito ng PCUP.
Layunin ng PCUP na maramdaman ng tao na nandito lamang ang pamahalaan upang sila ay tulungan. Natitiyak nating ang Urban Poor Privilege Card ay makapagbibigay- ginhawa sa ating mga kababayang maralita.
Muli, hindi na lamang isyu ng demolisyon at ebiksiyon ang tutugunan natin, dahil ang PCUP ay isang komisyon para sa maralitang taga-lungsod kaya kung ano ang mga pangangailangan nito, agad natin itong tutugunan, isyu man ‘yan ng kalusugan o anuman.





Comments