top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bloke-blokeng cocaine, ipinaanod sa karagatan ng Pilipinas, modus na naman!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2019
  • 1 min read

TUMAKBO pa-Hong Kong sina P-Digong at Honeylet.

Wala na kasing “vacant room” sa mga hotel sa Maynila!

◘◘◘

IDE-DEVELOP ang natural liquefied petroleum gas ng Malampaya sa Pilipinas.

Panis nang isyu ‘yan!

◘◘◘

BAKIT walang na­nga­ngampanya na isu­su­long ang paglalagay ng solar panel roof sa mga government building?

Simple lang ‘yan, pero walang dumi­dis­karte!

◘◘◘

MARAMING programa at proyekto na binabanggit sa mga plataporma de gobyer­no ay kunwa-kunwari lang.

Pero huwag ka, nagwawagi pa rin ang mga plastik!

◘◘◘

NAG-BREAK na ang beauty-queen actress na sina Winwyn Marquez at actor Mark Herras.

Wala tayong kina­laman d’yan!

◘◘◘

NAARESTO ang CEO ng news portal.

Siya ngayon ang ibinabalita!

◘◘◘

HUMINGI ng pauman­h­in si P-Digong kay ex-Speaker Panta­leon Alvarez.

Huli man daw at magaling, late pa rin!

◘◘◘

NILINAW ni P-Di­gong na hindi niya ini-endorso si Jinggoy Estrada.

Eh, huwag na niyang ipagsigawan!

◘◘◘

BLOKE-BLO­KENG cocaine ang ipinaanod sa karagatan ng Pilipinas.

Inuulit lang ang modus-operandi!

◘◘◘

MAGTATAGPONG muli sina Kim Jong Un ng North Korea at Donald Trump ng U.S.

Gagawin ang “rematch” sa Vietnam!

◘◘◘

ITINIGIL na ang operas­yon ng nabang­karoteng Hanjin shipbuilding firm sa Subic.

Wala bang kakasu­hang kroni rito?

◘◘◘

NAG-IWAN ng bilyun-bil­yong utang ang Hanjin sa mala­laking bangko sa Pilipinas.

Ilan kaya riyan ang “behest” loan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page