top of page
Pokwang.jpg

ANGAT SA 3RD PLACE ANG NOYPI BILANG WORLD CLASS CUE ARTIST

Eddie M.Paez, Jr.
Feb 18, 2019
2 min read

DALAWANG magkaibang world rating system pagdating sa husay sa pagtumbok ang pinagbasehan at kapwa may mga kinatawan ang Pilipinas sa piling listahan ng mga world class cue artists.

Sa kasalukuyang World Pool Billiards Association (WPA) ranking, umangat na sa pangatlong pu­westo galing sa pang-apat ang Pinoy na si Carlo “The Black Tiger” Biado sa tulong ng naipon nitong 15,112 puntos. Malaking kontribus­yon dito ang pangiging pangalawa niya sa 2018 World 9-Ball Championships kung saan sumegunda siya sa likod ng Alemang si Joshua Filler. Nakakuha rin ang Pinoy ng 200 puntos sa 2019 World Pool Series Grand Finale.

Si Filler ang nasa tuktok ng listahan dahil sa nakulektang 18,762 puntos samantalang si Alexander Kazakis ng Greece ay nalaglag sa pangalawang puwesto dahil 17,899 puntos nitong produksion. Ang Dutch ace na si Niels Feijen ang nakaupo sa pang-apat na puwesto dala ang 15,100 puntos habang ang Taiwanese gem na si Jung Lin Chang ang nakasalampak sa panglimang baytang dahil na rin sa armas nitong 14,716 puntos.

Ang top performers ng WPA rankings ay nakabase sa resulta ng mga pili ngunit malulupit na torneo sa pagtumbok.

Samantala, sa world Fargo Ratings naman kung saan ang puntos ng isang cue artist ay nakadepende sa resulta ng laro nito sa nakalabang manunumbok, nakapasok sa top 10 ang trio nina Dennis “Robocop” Orcullo, Biado at Zorren James “Dodong Diamond” Aranas. Nasa 7th place si Orcullo sa tangan nitong 814 puntos samantalang nakabuntot sa kanya si Biado na may naipong 808 puntos. Isinarado ni Aranas, pumangalawa sa nakaraang 2019 Derby City Classic 9-Ball tourney, ang top 10 nang makakolekta ito ng 806 puntos. Dating may 803 puntos lang si Aranas at nasa pang-11 baytang lang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page