Aktres, kahit naghahabol na… LUIS, KUMANTA KUNG BAKIT 'DI MABUNTIS SI JESSY
- BULGAR

- Feb 18, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

AMINADO si Luis Manzano na sigurado na siyang ang aktres na si Jessy Mendiola na ang kanyang mapapangasawa at magiging ina ng kanilang mga anak, pero inamin ng TV host na inuurong muna niya ang kanilang pagpapakasal dahil nag-iipon pa siya para sa kanilang future.
Sa isang interview ng aktor, sinabi ng TV host na wala na siyang duda na si Jessy ang kanyang mapapangasawa, kaya gusto niya itong bigyan ng magandang buhay na deserve ng aktres.
Ayon kay Luis, madali lang ang magpakasal, ngunit ang i-maintain ang buhay-pamilya ay mahirap.
Aniya, “To get married is easy, but maintaining a home isn’t. I keep saying, yes, our lives will be good and comfortable for X amount of years, but what if something untoward happens? I’m just being a realist.”
Sa mga naunang interviews, inamin ni Jessy na goal niya na magkaanak bago mag-30. Ayon kay Luis, mas mabuti kung magkaanak si Jessy nang mas maaga sa kanyang deadline, ngunit hindi pa nila ito magagawa ngayong taon dahil marami pa silang commitments na kailangang tapusin.
Aniya, “She’s 26. It’s better if she becomes a mom earlier than the deadline she has set for herself, but we both still have a lot of commitments, especially this 2019.”
Dahil daw dito ay hindi matigil ang kanyang ina na si Lipa City Representative Vilma Santos sa pagbubunganga sa kanya na gumawa na ng anak, dahil hindi na siya bumabata.
Sa puntong ito, inamin ng TV host na hindi pa sapat ang kanyang ipon para bumuo na ng pamilya.
Aniya, “I am not saying I’m not well-compensated. Akala n’yo lang mayaman ako, but I want to point out that there’s a huge difference between the talent fees of the hottest leading man and a TV host.”
Dagdag pa niya, “I have businesses. That’s why people have this notion that, ‘Wow! Luis owns yachts or something!’ So I need to focus on these businesses this year.”





Comments