top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 pulis timbog sa droga

Jeff Tumbado
Feb 18, 2019
1 min read

ARESTADO ang dalawang aktibong pulis, gayundin ang isang sibilyan sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Macabog, Ormoc City.

Ayon kay Chief Inspector Rex Contillep, kinilala ang mga nadakip na sina Police Officer 1 Felboy Lopez, 31; Police Officer 1 Ronelo Felizarta, 36, kapwa residente ng lungsod at nakatalaga sa Northern Samar Police; gayundin ang isang Rexan Sali.

Ani Contillep, naaktuhan ang mga suspek na nagbebentahan ng iligal na droga sa bahay na pagmamay-ari ng isang Jopey Kudob.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, todas ang dalawang lalaki nang manlaban umano sa gitna ng pagtatangkang arestuhin sila sa buy-bust operation sa Bulacan.

Tinukoy ni Supt. Orlando Castil, ang mga suspek na sina Jose Mendoza at alyas Archie.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril, ilang sachets ng hinihinalang shabu at marked money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page