Unlimited rice importation, aprub na!
- BULGAR

- Feb 17, 2019
- 1 min read

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Bill.
Sa ilalim ng batas, wala nang limitasyon sa importasyon ng bigas kasabay ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.
Layunin ng batas na damihan ang supply ng bigas sa bansa para mapababa rin ang presyo nito sa merkado.
Gayunman, may mga pumapalag sa nasabing batas. Para sa kanila, ito ang ikalulugmok ng mga magsasaka.
Kaya kahit sinong nasa private sector ay maaari nang makisali sa importasyon, tiyak umanong dehado ang mga lokal na magsasaka.
Silang mga hindi pa umano handa o hindi pa sapat ang kakayahan para maging ‘competitive’ sa ibang magsasaka tulad sa Thailand at Vietnam na gumagastos nang mas mababa sa kanilang rice production.
Posible rin umanong humina ang rice production ng bansa dahil maraming magsasaka ang mawawalan na ng gana sa pagtatanim dahil maliban sa problema sa puhunan, alanganin din ang benta sa kanilang mga produkto.
Gayunman, pirmado na ng pangulo ang sinasabing kontrobersiyal na batas.
Ang pakiusap na lang sa gobyerno ay tiyakin na maipatutupad ito nang tama.
Huwag sana itong mabahiran ng anomalya o korupsiyon.
Higit sa lahat, suportahan ang mga lokal na magsasaka para mabuhayan ng loob, mapalago ang produksiyon at maging palaban sa magsasaka sa ibang bansa.
At anuman ang maging epekto ng Rice Tarrification Bill, ‘yan ang ating aabangan, kung ito ay good o bad.





Comments