top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

TORNADOES, NAHIRAPAN SA SUPERLIGA PERO UNITED VC, HINDI PINAPORMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
2 min read

NASUONG muna sa pahirapang laban ang Foton Tornadoes bago iniligpit sa bisa ng 26-24, 25-20, 15-25, 25-21 na panalo ang United VC sa opening game ng Philippine Su­per­­­liga Grand Prix kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bumida sa laro si American import Courtney Felinski na naging mainit ang mga kamay, upang akayin ang two-time champion Tornadoes sa mainit na simula sa prestihiyosong women’s club tournament na isinaere ng ESPN5 at 5Plus.

Sa lakas ni Felinski ay nakapagdeliber siya ng 19 na atake sa kabuuang 23 puntos habang si dating Turkish national team member Selime Ilyasoglu ay may ibinakas na 19 markers at 14 digs para sa Foton na pakay maibalik ang dating glorya sa liga. Sinabi ni Foton coach Aaron Velez na nasorpresa siya sa takbo ng laro ng kanyang bataan lalo na sa krusyal na bahagi ng game kung saan nagawa nilang pigilan ang pananalasa nina Filipino-American spiker Kalei Mau at import Yasmeen Bedart-Ghani. “I’m very happy on how the girls played. Also, the imports were able to step up, especially down the stretch,” ayon sa batang si Velez na pumasok na sa Tornadoes ngayong second season.Nakalalamang na agad, 2-0, pero tila natataranta na ang Foton sa third set para makalayo pa ang United VC sa 11-4 at napalawig ang laban.

Muling nalamangan ang Tornadoes, 4-10 sa fourth set pero nakahabol sila sa 6-0 at pinigilan ang atake ni Ilyasoglu para ipatas sa 10-10. Hindi nagpasuko ang UVC, 18-18, bagamat mainit sina Ilyasoglu at Felinski upang makuha ng Tornadoes ang unang panalo ngayong season.

“I’m surprised because in training we don’t normally talk, we just train hard, and today the imports were able to jell properly with the team,” ani Velez. Nakapagdeliber si Bedart-Ghani ng 23 points at 14 digs habang si Mau ay rumehistro ng 17 para sa UVC. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page