TEAM USA, TINAMBAKAN ANG TEAM WORLD SA NBA ALL-STAR


NAGAWANG magwagi ng Team USA kontra sa Team World sa bisa ng iskor na 161-144 sa exhibition game na isa mga itinampok sa NBA All-Star weekend na idinaraos sa Charlotte, U.S.A. kahapon.
Kuminang ang rising star na si Kyle Kuzma ng Los Angeles Lakers sa bisa ng 35 puntos at naging Most Valuable Player katuwang si Jayson Tatum ng Boston Celtics na may 30 pts. Pangalawang beses na itong panalo ng Team USA. Nagpakitang-gilas din sina Trade Young ng Atlanta Hawks sa 25 puntos at 10 assists, may 15 assist si De’Aaron Fox ng Kings habang si Donovan Mitchell ng Utah ay may 20 puntos, 9 assists at 7 rebounds.
Naglaro sa nadaig na Team World sina Ben Simmons ng Sixers sa itinalang 28 points habang may 21 puntos si Lauri Markkanen ng Chicago Bulls, may 13 pts at 9 assists si Luka Doncic ng Dallas. Ikalimang beses na rin ito na ginamit ang US vs. World ang format na dating laro ng rookies. (MC/ATD)





Comments