top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PINAHIRAPAN PERO WAGI ANG UP; PANALO RIN ANG UE SA UAAP

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
1 min read

HINDI naging madali ang panimula ng kampanya ng University of the Philippines dahil kinailangan pa nilang umabot ng limang frames bago napayukod ang nakatunggaling University of the East kahapon 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12 sa wo­men’s division sa pag­bubukas ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center.

Gaya ng inaasahan, kakaibang Lady Warriors ang nakaharap ng Lady Maroons, na matapos mau­nahan sa first set ay naki­pagdikdikan ng husto sa sumunod na dalawang sets upang makalamang, 2-1.

Pinamunuan ni Ayel Estrañero ang nasabing unang panalo ng isa sa mga pre-season favorites Lady Maroons sa itinala niyang 43 excellent sets bukod pa sa 2 puntos.

“As usual we talked about forgetting and going in strong and also staying focused,” pahayag ni UP coach Godfrey Okumu.

Nauna rito sa men’s division, pagkalipas ng halos dalawang season na winless, nakatikim na rin sa wakas ng panalo ang University of the East.

Sa gabay ng kanilang bagong coach na si Victor Turing IV, ang pumalit sa dating coach na si Sammy Acaylar, naigupo ng Red Warriors ang University of the Philippines Fighting Maroons, 20-25, 25-10, 25-22, 25-21. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page