top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Panawagan sa mga opisyal sa isang barangay sa San Andres Bukid, Manila | Perhuwisyong basketball cou

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2019
  • 2 min read

‘IKA nga, maadik ka na sa bola, hu­wag lang sa droga, pero kung perhuwisyo rin naman ang iyong dala, mabuting sa bahay ka na lang muna. ‘Yun lang!

Kamakailan, mayroong residente ng San Andres Bukid, Manila, ang lumapit at humingi ng tulong sa ating pahayagan, hinggil sa matagal na nilang inirerekla­mong basketball court na iligal umanong inilagay sa gitna ng kanilang kalsada.

Ayon sa residente, nakapeperhuwisyo umano ang nasabing basketball court dahil marami ang natatamaan ng bola rito, lalo na ang mga persons with disa­bility (PWD) na minsan pa umano ay naaapakan ng mga naglalaro dahil ka­hit may dumaraan ay hindi sila humihinto, gayundin ang ilang mga iligal na nakatira sa kanilang kalye na dapat ay hindi pinapayagan ng kanilang barangay.

Gayunman, humingi na umano sila ng tulong sa mga kinauukulan sa kani­lang nasasakupan, ngunit, tila walang naririnig o nagbibingi-bingihan lang ang mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naaaksiyunan ang kanilang rek­lamo.

Samantala, lahat tayo ay may kani-kanyang tanggap sa komunidad kung saan may ilan sa atin ay ginagawang bola na pinagpapasapasahan, pero hindi na­man tinutulungan.

Nakadidismaya ang mga ganitong opisyal, ‘yung tipong matapos ninyong iboto para manalo, eh, “hu, u” na lang kayo pagkatapos. Tsk!

Sa totoo lang, walang masama sa pag­ba-basketball, lalo na para sa mga kaba­taan dahil pinaniniwalaang nakatutulong ito upang kahit papaano ay hindi sila maligaw ng landas.

Ngunit, kung ito ang magiging da­hilan para maperhuwisyo at mapaha­mak ang mamamayan sa inyong lugar, mainam kung aayusin, ililipat o sosolus­y­unan na kaagad.

Kaya ang panawagan natin sa mga iresponsableng opisyal sa nasabing ba­rangay, maayos na tulong para sa mga residenteng matagal nang nagtitiis sa in­yong barangay, ibigay!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page