Motor sumemplang, rider shoot sa kanal, utas
Levi Gonzales
Feb 17, 2019
1 min read

DEDO ang rider ng motorsiklo matapos sumemplang sa Bgy. Pook ni Banal, San Pascual, Batangas.
Alas-12:10 ng hatinggabi, sakay ng kanyang motor si Philip Michael Dolor, nang mawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo.
Sumemplang ito hanggang sa tumilapon sa kanal dahilan ng pagkabasag ng bungo at sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima at walang suot na protective gear sa katawan.





Comments