Dalawa tigok sa buy-bust
- Jeff Tumbado
- Feb 17, 2019
- 1 min read

NAUWI sa barilan ang buy-bust operation sa Bgy. Kaybanban sa San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa operasyon napatay ang dalawang umano’y tulak ng droga na nakilalang sina Jose Mendoza alyas Pong at alyas Archie.
Ayon kay Superintendent Orlando Castil, unang nagpaputok ng baril ang mga suspek makaraang makatunog na pulis ang kanilang katransaksiyon.
Nakuha sa mga ito ang dalawang kalibre .38 na baril, droga at marked money.





Comments