top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Comelec, tiklop sa naglalakihang posters ng ‘bata’ ni P-DU30, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
2 min read

SA CHINA DAPAT IPAKITA NI P-DU­TERTE ANG KANYANG PAG­KALALAKI AT HINDI SA MISIS NI TA­TAD — Sa galit ni P-Duterte sa ipi­na­mamalita raw ni ex-Sen. Francisco Tatad na siya ay may kanser, sinabi ng pangulo na kapag nakita raw niya ito ay sasampalin niya at nais din daw niyang ‘hi­ramin’ ang misis ng ex-senator para raw patunayan ang kanyang pagkalalaki.

Pambihira, imbes sa China na suma­kop sa West Philippine Sea (WPS) ipakita ni P-Duterte ang kanyang tapang at pag­kalalaki, eh, sa misis ni Tatad!

◘◘◘

COMELEC, ATRAS ANG ‘BALLS’ KAY ‘BONG’ GO — Ayon kay Come­lec Spokes­man James Jimenez, sasam­pahan daw nila ng kaso ang 40 kandida­tong senador na lumabag sa prescribed size posters.

Ang nakaka-shock, sa 40 senatoria­bles na kakasuhan, wala sa listahan ang pinakamaepal na kandidatong si ex-SAP ‘Bong’ Go na may pinakamaraming nag­lalakihang posters sa buong Pilipinas.

Diyan makikita na pagdating sa ‘bata’ ni P-Duterte, atras ang ‘balls’ ng mga taga-Comelec, boom!

◘◘◘

MAS TYPE NG MGA ‘BOBOTAN­TE’ ANG MGA TRAPO KAYSA MGA KANDIDATONG NAGMULA SA MGA MANGGAGAWA — May mga kandi­dato sa pagka-senador na mula sa ha­nay ng mga manggagawa pero, dahil hindi sila kilala, dedma lang sila sa mga kapwa nila manggagawa at ang hini­hi­yawan at pinapalakpakan ay ang mga kandidatong trapo (traditional politician).

Pagpapatunay iyan na sangkaterba pa rin ang mga ‘bobotanteng Pinoy’, kasi mas gusto nilang suportahan ang mga trapo na ang layunin ay magnakaw sa kaban ng bayan kaysa mga kandidatong hindi trapo na ang layunin ay isulong ang kapakanan ng mga manggagawa sa Senado, period!

◘◘◘

SAKLAAN NINA ‘GASPAR’, ‘AMANG’ AT ‘WILLY’, TULOY PA RIN SA QC — Tuloy pa rin daw ang operasyon ng sak­laan nina alyas Gaspar, Amang at Willy sa Quezon City.

Tila yata matatapos ni Mayor Bistek Bautista ang kanyang termino nang hindi niya napatitigil ang mga saklaan sa kan­yang nasasakupan, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page