top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BF, kalat na kalat na raw na bading… JESSY, PINAAMIN SI LUIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
2 min read

ANG cute panoorin nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa bagong episode ng vlog ng aktres sa YouTube.

Twelve years pala ang age gap nila (37 si Luis, 25 si Jessy), pero makikitang click sila as a couple dahil kung makulit si Luis, mahiyain naman si Jessy. Kaya kumbaga, hindi sila nagka-clash o nag-aagawan ng moment.

Bagama’t wala pa ring ina-announce na marriage proposal ang dalawa, ang pinag-usapan sa bagong episode ng vlog ni Jessy ay ang pagkakaroon na nila ng anak. Biro ni Luis, 84 ang gusto niyang maging baby nila ng kanyang future ‘mother of my children’.

Inamin din nilang may tatlong pangalan na silang naiisip para sa kanilang mga magiging anak — two names ng babae at isa para sa lalaki, pero ‘di naman nila sinabi kung ano’ng napili nilang names.

Gusto rin namin ‘yung tanong ni Jessy kay Luis kung bakit ito laging napagkakamalan o inaakusahang bading ng mga netizens.

Paliwanag ni Luis, bata pa siya ay napagkakamalan na siyang gay. ‘Pag pumupunta raw kasi siya sa taping ng TV show ng kanyang Mommy Vilma Santos, mas gusto niyang tumambay sa dressing room ng mga dancers kung saan ang mga nakakasama niya ay halu-halo — girl, boy, bakla, tomboy — at enjoy daw siya sa company ng mga ito.

Isa pang paliwanag ni Luis, dahil sa kadaldalan niya bilang TV host kaya siguro marami ang nag-iisip na gay siya.

Pero obvious namang hindi na affected si Luis sa matagal nang isyung ibinabato sa kanya lalo’t lantaran naman ang lips-to-lips nila ng GF niyang si Jessy, ‘no!

At isang inamin ni Jessy sa naturang vlog, good influence sa kanya si Luis dahil kung dati ay naaakusahan siyang suplada dahil hindi raw siya marunong makitungo sa mga tao, ngayon ay nahawa na siya sa BF na pantay-pantay daw ang tingin sa lahat ng uri ng tao at kahit sino ay magalang nitong binabati.

Well, that’s nice!

Sa nakikita namin, parang papunta naman na talaga sina Luis at Jessy sa settling down. Kaya lang, may mga priorities pa nga kasi ang aktres na ayaw namang hadlangan ni Luis.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page