top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BATAAN RISERS, KAMPEON PARAS, SLAM DUNK KING

A.Servinio
Feb 17, 2019
1 min read

KINORONAHAN ang Bataan Risers bilang pinakaunang kampeon ng Chooks Pilipinas 3X3 Presidents Cup matapos nilang gulatin ang Grindhouse Kings-Pasig, 19-18, sa SM Megamall Sabado. Nagpakita ng matibay na depensa at matatag na free shooting si Leonard Santillan upang maiuwi ng koponan ang gantimpalang P100,000.00.

Binigay ni Joshua Munzon ang kalamangan sa Pasig sa pamamagitan ng malayong dalawang puntos na may 55 segundo sa orasan, 18-17. Biglang lumamig ang opensa ng preseason champions at napilitan silang mamigay ng foul at pinasok ni Santillan ang tatlong free throw upang masigurado ang panalo nang mapilitan nilang mabitiwan ni Troy Rike ng Pasig ang bola sabay ubos ng oras.

Tinalo ng Risers ang Valenzuela Classic sa pisikal na semifinals, 21-17. Nakapasok naman ang Grindhouse matapos nilang lumusot sa Pasay Voyagers, 21-11.Sa mga iba pang palaro, hinirang na kampeon ng Slam Dunk Contest si Kobe Paras para sa P20,000.00. Sa Three-Point Shootout, nakakuha ng konsuwelo ang Pasig sa tagumpay ni Dylan Ababou para rin sa P20,000.00.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page