top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BANGIS NG SUPER CRUNCH AT PASIG, IPINALASAP SA PATRIOTS AT LANTERNS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
1 min read

NAGPATULOY ang bangis ng Makati sa MPBL Datu Cup at idinagdag nila sa biktima ang Parañaque Patriots-F2 Logistics, Hu­we­bes ng gabi.

Inasahan ng Super Crunch ang big game na binalikat ni Jeckster Apinan, na galing sa double-double performance upang pamu­nuan ang Makati, kung saan ang 13 straight na panalo ang naglagay sa kanila sa 2nd spot sa pahirapang northern division ng torneo. Pinag-ibayo ng Makati ang win-loss re­cord sa 19-4, kapareho ng Manila. Sa isa pang panalo, makukuha ng Super Crunch ang No.2 spot ng northern Division. Bumakas si A­pi­­­nan na sandaling nakapag­laro sa PBA (NLEX Road Warriors) ng 11 puntos at 12 rebounds.

Ang depensa ng Super Crunch ang pinalakas para mapalawig pa ang winning streak at nanatiling pinaka­mainit na team sa torneo tungo sa playoffs. Nasa­gap ng Parañaque ang ikawa­long diretsong talo at lagpak sa 11th spot na may 8-15 re­cord sa southern division.

Ang pagkatalo ang nagpa­tibag sa Patriots sa playoff race. Sa main game, naungusan ng Pasig ang Pampanga sa 69-67 win. Pahirapan sa Pampanga ang pagkatalo dahil lumayo pa sila sa playoff berth nang malasap ang back-to-back game loss. Lagpak ang Lanterns sa 9th to 10th places kahilera ang Valenzuela Classic sa Northern Division sa parehong 9-14 record. Natalo ang Pam­panga kahit na solido pa ang laro ni Michael Juico. Ang dating GlobalPort Batang Pier ay may 23 puntos at 20 rebounds. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page