BAD NEWS KAY PACMAN: NO REMATCH KAY FLOYD
- BULGAR

- Feb 17, 2019
- 1 min read

May nakatakda na namang laban si pound for pound king Floyd Mayweather sa Hulyo, ayon sa umalingasaw na ulat kahapon.
Kinumpirma ito ng TMZ at ayon sa celebrity site state na si Floyd ay may nakatakdang apat o lima pang mga laban ngayong taon na maaring makatipon siya at kumita ng $80-M.
Sariwa pa sa kanyang panalo kay Tenshin Nasukawa ng Japan sa kinamal na halagang $10 million noong Bisperas ng Bagong Taon, babalik si Mayweather sa Japan sa summer season. Sumang-ayon na si Mayweather sa naturang deal. Haharapin niya roon ang hindi pa kilalang kasagupa na may kapareho ring makukuhang bayad tulad ng panalo kay Nasukawa. Sa panandalian niyang panalo sa unang round kay Tenshin, paborito nang husto si Mayweather sa naturang event. Isang dating Japanese boxer ang makakatilaran niya sa ruwedang parisukat.
Maging ito man ay one-sided na pustahan, tiyak na hindi tatanggi si Mayweather sa 8 figure fee matapos ang huli niyang laban sa Japan. “It’s all about being smart. My faculties are very important,” aniya.
Ibig sabihin bad news na naman ito para sa tsansa ng Manny Pacquiao rematch. Ito ay sa kabila ng katotohanang nakalagda na ang Fighting Senator ng deal sa Mayweather Promotions para sa pag-asa ng second fight. Pinaka-lukratibo ang una nilang laban noong 2015, nanaig si Mayweather kay Pacman, kahit injured ang balikat ng Pinoy. (MC)





Comments