top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Adik nabawasan daw | DRUG WAR NI DIGONG, TAGUMPAY — PALASYO

Mylene Alfonso
Feb 17, 2019
1 min read

IKINAGALAK ng Malacañang ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing anim sa bawat 10 Pilipino o 66 percent ang naniniwalang bumaba ang bilang ng mga drug addict sa kanilang lugar sa nakalipas na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang resulta ng survey ay nagpapatunay na tagumpay umano ang kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.

Ayon kay Panelo, ang anti-drug war ay major campaign platform ni Pangulong Rodrigo Duterte at nananatili itong sentro ng programa ng administrasyon sa kabila ng mga kritisismo at pagbatikos sa loob at labas ng bansa.

Kaugnay nito, hinikayat ni Panelo ang mga taga-oposisyon at kritiko na tumigil na sa pagiging bulag, bagkus, makinig na lamang sa sinasabi ng taumbayan na bumaba ang bilang ng mga nalululong sa iligal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“As we all know, it is a major campaign platform of President Duterte and remains a centerpiece program of his administration, notwithstanding the harshest criticisms, brickbats and pressures the current government is receiving here and abroad,” ani Panelo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page