2019 PHILRACOM 4 YEAR OLD LOCAL STAKES RACE NGAYON

MAGLALABAN-LABAN ang walong mananakbo sa paghataw ng 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Local Stakes Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong hapon.
Kinabibilangan ng mga kalahok na Hiway One, Smokin Saturday, Lakan, Son Also Rises,Cerveza Rosas, Eli Brassous, Magnificent Seven, at Box Office.
Sa mga kalahok pinapaboran ang Son Also Rises at ang couple entry nito na Cerveza Rosas, na pag-aari ni Horse Owner Benjur Abalos Jr.,makakalaban ang kalahok na Lakan, na pagmamay-ari ni Mar Tirona na mula sa mga anak ng kabayong kampeon na Ibarra.
Makakalaban din ang mga kalahok na Hiway One, Smokin Saturday at Box Office. May nakalaang pa-premyo na P500,000. At mapupunta ang P300,000 sa mananalong kabayo, habang P112,500 ang ipagkakaloob sa 2nd placer, P62,500 sa 3rd.placer at P25,000 sa 4th.placer.
Samantala, pagkakalooban naman ng P15,000 ang horse breeder sa mananalong kabayo.
Matutunghayan din ng “Bayang Karerista” ang pangalawa ng Condition Race 10 (Merged) sa Race 1 at pinapaboran ng Sky Dancer laban kay Dragon Butterfly at Philracom-RBHS race sa Race 2, na panimula ng 1st Pick 5 event.
Susundan kaagad ng Race 3 na panimula ng 1st Pick 6 event at pinapaboran ang kabayong “Gee’s Star” ni Horse Owner Ed Gonzalez laban sa Tontoneeto ni Horse Owner KI S. Sangco, sa Race 5 napipisil ang kabayong Umbrella Girl at Nostradamus ang maglalaban, ngunit iminumungkahi ko na isama sa mga tatayaan ang Milady’s Luck kasabay ng 2nd WTA event.
Sa race 6 ng 2nd.Pick 6 event nakalalamang ang You Are My Hero, makakalaban ang kalahok na Nabighani at couple entry na Maincore Sunspot, habang sa Race 7 ng 3rd Pick 5, babawi sa pagkakatalo ang Storm Chaser at subukan sa forecast ang Heat and Soul at Magic Wallet.
Malaki ang palagay ko na mananalo ang kabayong Stark ng Stony Road Horse sa Race 8 at makakalaban ang Spin Move ni J E. Avelino habang ang imported na Already Feisty at Cabo Negro at La Flute De Pan ang siyang magdadala ng laban kabilang ang couple entry na Stravinsky at Anaffairtoremember.
Samantala, maglalaban-laban ang kalahok na Yssa’s Will, Boy Paradise, Triton, Bull Star Rising at Tequila Princess sa Race 10 habang sa Race 11 ay maglalaban ang mga kalahok na Mabalor, Maybe This Time, Big Big Brown at Savior.
Tip ni Mang Ding Race 1- Sky Dancer (6) Entry No. 5; Race 2- Gee’s Prize Entry No.4 Race 3- Gee’s Star (8) Tontoneeto(7); Race 4- Entry No.4 Lakan (3) Race 5 – Nostradamus (8) Milady’s Luck(1); Race 6- You Are My Hero (1) Entry Number 2 Race 7- Storm Chaser (6) My Loving Wife (9) Race 8- Stark (4) Entry No.1 Sir Jeboy (13) Race 9-Entry No.2 La Flute De Pan (4) Race 10- Boy Paradise (10) Yssa’s Will (6) Bull Star Rising (9) Race 11-Maybe This Time (1) Big Big Brown (4) Rochelle’s Gift (9).





Comments