top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa matagumpay na resulta ng rehabilitasyon ng Manila Bay; pakikipagtulungan ng LGUs, kailangan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2019
  • 2 min read

PASAWAY, ganito maihahambing ang 95 local government units (LGUs) sa mga lugar na malapit sa Manila Bay watershed area dahil ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), bigo ang mga itong sumunod sa environmental laws na isa sa mga dahilan kaya napabayaan ang nasabing lugar.

Matatandaang, noon ay napakaraming basura at sobrang itim ng tubig ng Manila Bay, pero ngayon, nagkakaroon na ito ng buhangin at natanggal na ang mga basura sa tulong ng mga boluntaryong ahensiya, estudyante at mamamayan.

Gayunman, ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang bilang ng mga lungsod at bayan ay 53 porsiyento ng kabuuang 178 LGUs sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Aniya, sa pagsusuri ng DILG, 16 na bayan at lungsod na may pinakamalalang problema ang prayoridad na tulungan ng ahensiya para mairesolba ang environmental problems ng mga ito.

Samantala, kahit hindi pinangalanan ang mga pasaway na LGU, hiling natin na matuto na sila at pangalagaan na sana nila ang kapaligiran hindi lang para sa ikagaganda ng kalikasan kundi maging sa ikabubuti ng ating kalusugan, in short, huwag maging makasarili!

Gayundin, nagbabala ang kalihim sa mga LGU na kung hindi makikipagtulungan sa rehabilitasyon sa Manila Bay ay posibleng makasuhan o magkaroon ng disciplinary action mula sa pangulo.

Kaya ang panawagan natin para sa lahat, bukod sa ginagampanan natin ang ating tungkulin bilang Pilipino o maging sa gobyerno para sa ikauunlad nito, magbigay din tayo ng malasakit sa bayan at kapaligiran!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page