Numero sa senatorial slogan: 11 ni P-Digong, 13 ni Inday Sara at 8 ng LP, may mao-onse, mamalasin at
- BULGAR

- Feb 16, 2019
- 2 min read
NAKATUKLAS ang mga scientist ng bagong specie ng “anay” sa Pilipinas.
Hindi totoo na nadiskubre ang “anay” sa Malacañang!
◘◘◘
MAY kakayahan ang naturang anay na lamunin ang buong barko.
Natuklasan ito sa Mabini, Batangas!
◘◘◘
IDINEKLARA ni Pangulong Digong ang “11 senatorial candidates” sa San Jose del Monte City.
Taliwas ito sa “13 senatorial candidates” ng Hugpong ng Pagbabago ni Inday Sara!
◘◘◘
BAKIT kaya kapos ng isang kandidato si P-Digong at sobra naman ng isa si Mayor Sara?
Puwede kayang ‘yung “isang sobra” kay Inday Sara ay ipasak sa “isang kapos” ni P-Digong?
◘◘◘
Kumbaga, sakto ang dalawang grupo ng tiket ng mag-amang Duterte kung matematika ang pag-uusapan.
‘Yun lang, ano bang klase ng “modern math” ang dapat gamitin dito?
◘◘◘
AYON kay Kapitan Marlon Manalo ng Bgy. Malamig sa Mandaluyong City, nahihirapan na ang estudyanteng maunawaan ang “numerong Espanyol” na ginagamit sa pagbilang ng piso.
Halimbawa, hindi nauunawaan ng millennials ang diyes (P10), beinte (P20), treinta (P30), kuwarenta (P40), singkuwenta (P50) at iba pa.
Mas naunawaan nila kapag binanggit ang ten (pesos), twenty (pesos), thirty (pesos) etc!
◘◘◘
DAHIL nahihirapan sa Espanyol na pagbilang ang millennials, malabo raw na manalo ang “walong (8) kandidato ng Liberal Party.
Bakit?
Kasi “otso-direcho” ang ginamit nila imbes na “straight eight”!
◘◘◘
BIDA ngayon ang mga numero sa senatorial slogan, 11 ni P-Digong, 13 ni Inday Sara at 8 ng LP.
Magkakaotso-otso ang Liberal Party; mamalasin si Mayor Sara at mao-"onse” si P-Digong!
◘◘◘
NAUUSO na rin ang islogan sa kampanya at maraming biro sa diskarte.
Halimbawa, maaaring mag-no.1 si “Bong” Go, bakit?
Kasi dalawang pantig lang ang kanyang pangalan at madaling tandaan!
◘◘◘
MAAARING mag-no.2 si Ronald dela Rosa kasi mahirap siyang malimutan ng mga kontra sa illegal drugs.
Lalong hindi siya malilimutan ng mga adik at tulak.
Tiyak na papabor sila sa “bato”!
◘◘◘
PINAKASIKAT naman sa mga partylist ang patrol kasi takot ang mga adik sa kanila.
Kapag may sunog at may trahedya, sila ang sumasaklolo.
Lahat ng mga barangay ay may patrol!





Comments