top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LADY TAMARAWS AT MAROONS, UNA SA UAAP VOLLEY OPENING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2019
  • 2 min read

NAKATAKDANG simu­­lan ng last season losing finalist Far Eastern University at ng may pinakama­gandang pre season performance na University of the Philippines ang kanilang kampanya sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagbubukas ng women’s division ng UAAP Season 81 volleyball tournament.

Mauunang sumalang ang Lady Maroons ng 2 p.m pag­katapos ng unang dalawang laro sa men’s division kontra University of the East Lady Warriors na agad susundan ng salpukan ng Lady Tama­raws at ng National University Lady Bulldogs ng 4 p.m.

Magandang oportu­nidad para kay UP coach Godfrey Okumu ang nakamit nilang dalawang pre season championship para sa kanilang kampanya ngayong season.

“The excitement is there but also the stress, the pressure. We cannot count that out,” pahayag ni Okumu. ”The fans are excited, we are excited, the players are excited as well because most of them believe that it’s a time for them to show themselves to the UAAP community. The last season was quite challenging, Season 80. I barely had enough time to prepare the team the way I wanted,” dagdag nito.

Nagkampeon ang UP sa PVL Collegiate Conference, para sa kanilang unang major women’s volleyball crown mula noong UAAP Season 45 noong 1982, kahit wala ang injured na ace spiker na si Tots Carlos na nasundan ng PSL Collegiate Grand Slam crown kahit hindi nakalaro si Isa Molde.

Ang tagumpay sa PSL ay nagbigay sa kanila ng magandang oportunidad upang magkaroon ng all-expense paid training camp sa Thailand kung saan nakala­ban nila ang club team na Supreme Chonburi na pinangungu­nahan ng Thai national team stars na sina Pleumjit Thin­kaow at Wilavan Apinya­pong. Para sa Lady Warriors, inaasahan na bibigyan nito ng magandang laban ang Lady Maroons.

Samantala sa huling laro, uumpisahan ng FEU ang kampanyang makabalik ng kampeonato upang magkaroon ng pagkakataong makabawi sa pagkatalo noong isang taon sa reigning titlist De La Salle.

Gayunman sa taong ito ay wala na sa koponan sina Bernadeth Pons at libero Kyla Atienza, na nagtapos na ang eligibility noong nakaraang season at di rin lalaro ang beteranong si Chin-Chin Basas na nagtamo ng injury sa balikat.

Aasahan ni Pascua para mamuno sa FEU ang mga holdovers na sina Jerrili Malabanan, Celine Domingo, Heather Guino-o, Kyle Negrito at libero Buding Duremdes.

Para sa katapat nilang Lady Bulldogs, malaking hamon para sa koponan ang maka­pagpakita ng magandang performance sa ilalim ng bagong coach at matapos ang pagkawala ng ilan sa kanilang key players.

Ang mga nawala sa roster ng NU ay sina Aiko Urdas at starting libero Gayle Valdez na natapos na ang eligibility at ang mga beteranang sina Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Roma Doromal at middle blocker Risa Sato. Mangunguna para sa kam­panya ng Lady Bulldogs ang mga galing sa girls squad na sina 3-time Best Setter Joy­me Cagande, 6-foot-1 Ivy Lacsina, Princess Robles at libero Jennifer Nierva. (VA)

Mga Laro Ngayon: FilOil Flying V Center: 8 am UE vs. UP (m) 10 am FEU vs. NU (m) 2 pm UE vs. UP (w) 4 pm FEU vs. NU (w)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page