Empleyado ng botika dedbol sa sekyu

HINDI na umabot ng buhay ang isang empleyado ng botika sa Baybay, Leyte nang mabaril ng kaibigan nitong security guard ng establisimyento.
Kinilala ang napatay na si Kaizen Narborita, 21, residente ng Carigara, Leyte.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na aksidente umanong pumutok ang service firearm na kalibre .38 ni John Degrano Marte, 23.
Kapwa nasa bodega ang security guard at ang biktima kaya nang pumutok ang baril ng una habang nililinis niya ay tumama muna sa pinto ng palikuran ang bala bago tumama sa dibdib ni Narborita.
Agad namang hinuli ng pulisya si Marte na patuloy nang sinisiyasat sa insidente.





Comments