top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Batas, ipatupad din sa mga bigtime na sangkot sa droga!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2019
  • 2 min read

KAPAG MAY PINATAY NA OBIS­PO, WALANG IBANG DAPAT SISI­HIN KUNDI SI P-DUTERTE — Sa kick-off rally ng mga kandidato ng PDP-Laban na idinaos sa San Jose del Monte City, Bulacan ay muling nanawagan si P-Duterte sa publiko na hol­dapin daw ang mga Obispo at kapag nanlaban umano ay patayin at saka ilibing.

Kaya kung sakaling may mapatay na Obispo, walang ibang dapat sisihin kundi si P-Duterte dahil siya lang ang naging pangulo ng bansa na nag-uutos sa mamamayan na patayin ang mga Obispo, boom!

◘◘◘

MGA KANDIDATO NG PDP-LA­BAN, DAPAT IBASURA NG MGA KA­TOLI­KO — Matapos ipag-utos na hol­dapin at patayin ang mga Obispo, inalipusta rin ni P-Duterte ang Catholic Church nang sabihing, ito raw ang pinakaipokritong reli­hiyon sa bansa.

Aba, kung ganyang hindi talaga nilulu­bayan ni P-Duterte ang pag-atake sa Catho­lic Church, bilang ganti dapat magkaisa ang mga Katoliko na ibasura ang mga kandidato ni P-Duterte sa PDP-Laban, period!

◘◘◘

IPINATUPAD LANG DAW ANG BATAS KAY MARIA RESSA, PERO SA MGA BIGTIME NA SABIT SA DROGA, AYAW IPATUPAD ANG BA­TAS — Ayon kay Presidential Spokes­man Salvador Panelo, pagsunod na lang daw sa batas ang pag-aresto ng NBI kay Rappler CEO Maria Ressa na may kasong cyber libel.

Ganu’n? Eh, bakit sa mga “bigtime” na nasangkot sa droga na sina BuCor Director Nicanor Faeldon na sabit sa P6.4 bilyon shabu shipment, TESDA Director Isidro Lapeña na sangkot sa P11 bilyon shabu smuggling, drug lord Peter Lim na kumpare ni P-Duterte at “Tita Nanie” ng “Davao Group” ay hindi maipatupad ang batas para kasuhan at dakpin ang mga ito? Buwisit!

◘◘◘

CAVITE PNP DIRECTOR, IPINA­NGONGOLEKTA NI ‘BULAG’ — Isang alyas Bulag daw ang nag-iikot sa mga iliga­lista sa Cavite para ipangolekta ng intelihen­siya si Cavite PNP Director Sr. Supt. William Seguin.

Kung walang kinalaman si Sr. Supt. Se­guin sa raket ni “Bulag”, dapat ipa-”tokhang” na niya ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page