top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bakbakang militar at rebelde, 1 tigok

Levi Gonzales
Feb 16, 2019
1 min read

NAGPAPATULOY ang opensiba ng militar sa mga nagsitakas na rebelde matapos nilang makaengkuwentro sa Sitio Pinamintian, San Buenaventura, Louisina, Laguna.

Alas-9:20 ng umaga nang mamataan nila ang nasa higit 20 rebeldeng rumoronda sa lugar.

Sa pamumuno ni 1st Lt. Noelio Brigole, nakasagupa nila ang mga rebelde.

Tumagal ng halos 30 minuto ang labanan sa pagitan ng dalawa na nagresulta sa pagkamatay ng hindi pa nakikilalang kasamahan ng rebelde habang ‘di pa mabilang ang sugatan.

Wala namang namatay o nasugatan sa panig ng gobyerno at patuloy nilang sinusuyod ang lugar ng kanilang dinaanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page