Ayon sa experts... PAGSINOK, SANHI NG PAGIGING BLOATED!
- Donna Thea Topacio
- Feb 16, 2019
- 2 min read

HIK, hik, hik! Madalas ka bang sinisinok, beshy? Naku, bad ‘yan dahil knows ba ninyong ang pagsinok ay sanhi ng pagiging bloated, kaya kung feeling bloated kayo, everyday, alam n’yo na, ha?
Ayon sa mga eksperto, ang madalas na nagiging sanhi ng pagiging bloated ay ang mga hangin na ating nalulunok at hindi nabe-burp kung saan nagreresulta ito ng kabag o ang pagkakaroon ng sobrang hangin sa tiyan, pero totoo ring ang pagsinok ay nakabo-bloated dahil sa tuwing sinisinok tayo, eh, may pumapasok na hangin sa ating bibig na napupunta sa ating tiyan at nagiging gas.
Gayunman, ang mga pagkain at inumin din umano ay maaaring maging sanhi nito dahil sa amount ng gas na mayroon ito.
Samantala, ang indibidwal na mababa ang lactose intolerance ay madali ring maging bloated dahil ang natural sugar na natatagpuan sa gatas at dairy products ay parehong may gas.
Dagdag pa rito, ang constipation din umano ay maaaring magresulta ng bloating dahil mas lalo nitong nai-increase ang gas na mayroon tayo sa tiyan at alam ba ninyong sa edad na 11 ay puwede na kayong magkaroon ng ganitong pakiramdam?
Maliban pa rito, maging ang mga gamot na ating iniinom tulad ng mga dietary supplement ay nakaka-cause ng bloating dahil isa ito sa mga side-effect na mayroon ang gamot na ito.
Gayundin, kung pakiramdam ninyo, eh, hindi na normal ang inyong pagiging bloated, maaaring may sakit na kayo na tinatawag na Crohn’s disease o bowel obstruction.
Bukod sa mga ito, maaari ring mayroong pagbabago sa inyong hormone, partikular na ang mga babae na nagkakaroon ng menstruation.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung may nararamdamang pananakit ng tiyan, eh, uminom ng maligamgam na tubig nang sa gayun ay maibsan ito kahit papaano.
Oh, ayan, mga beshy, alam n’yo na, ha?
Mainam kung iinom din kayo ng tsaa nang sa gayun ay mawala ang sobrang hangin sa inyong tiyan at dighay-dighay din ‘pag may time. He-he-he!
Okay?




Comments