top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

2 bebot, 1 pa kulong sa droga

Maeng Santos
Feb 16, 2019
1 min read

TATLONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng droga sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas Maritime Police Station PSI Ferdinand Hermoso ang mga naaresto na sina Ronald Marabe, 24; Regine Danoprata, 25, at Helen Parungao, 51, pawang mga residente ng Market 3, Squaters’ Area, NFPC, Bgy. NBBN.

Ayon kay SPO2 Ernesto Ravanera, Jr., alas-4:45 ng hapon, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangunguna ni SPO2 Manny Vidal, kasama sina PO3 Oldarico Quinabato, PO3 Jacinto Gammad, Jr., PO1 Christian Cresencio, PO1 John Jeffrey Tristan at PO1 Kevin Tan sa kahabaan ng Palengke Street nang mapansin ang isang lalaki na aktong may iniaabot na isang plastic sachet ng shabu sa dalawang babae.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga pulis at narekober kay Marabe ang isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng pitong plastic sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng shabu habang nakuha naman sa dalawang babae ang tig-isang sachet ng shabu.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page