1,388 tiklo sa election gun ban

NASA kabuuang 1,388 ang indibidwal ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa election gun ban.
Nabatid kay PNP Spokesperson Senior Supt. Bernard Banac, ang nasabing mga lumabag ay nadakip sa pinaigting na checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa simula ng election period. Base sa datos ng PNP, may nakumpiskang 21 light weapons, 47 na replica o toy gun, 74 na granada at 364 na IEDs mula noong Jan. 13.
Ani Banac, mayroon din umanong nakumpiskang 9,037 na mga bala at 9,939 na iba pang deadly weapons tulad ng patalim. Giit pa ng opisyal na inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga lalabag sa gun ban habang papalapit ang halalan.





Comments