Tulak dedo sa shootout
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay at nakatakas naman ang kasamahan nito nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Abar 1st., San Jose City sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Dante Galvan, residente ng Bgy. Sto. Nino sa nasabing lungsod, samantalang, tinutugis pa ng pulisya ang isa pang suspek na nakatakas sa naganap na buy-bust operation.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation ang dalawang suspek, pero bigla nilang pinagbabaril ang awtoridad.
Agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek at nakatakas naman ang kasamahan nito.





Comments