Trike nabangga | MAG-ASAWA, 1 PA DEDO SA SUV

PATAY ang tatlo katao nang salpukin ng sports utility vehicle ang sinasakyan nilang traysikel sa Bgy. Lanag, A. Barbara sa Iloilo.
Dead-on-arrival sa ospital ang mag-live-in partner na sina Jehro Paul Suribio at Janice Surmieda. Namatay naman makalipas ang ilang oras ang kapatid ni Surmieda na si Rommel habang ginagamot sa ospital.
Kritikal naman ang pinsan ng mga biktima na si LJ Surmieda na nagtamo rin ng malubhang sugat sa ulo at katawan.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Sta. Barbara Municipal Police Station na patungo sana ng istasyon ng pulisya ang mga biktima nang makasalpukan ng kasalubong na SUV na minamaneho ni Aries Severo.
Walang nasaktan sa mga sakay ng SUV maliban sa drayber nito na nagtamo ng mga galos sa katawan.
Sa lakas ng pagkakabangga, nagkahiwa-hiwalay ang mga bahagi ng traysikel habang wasak naman ang unahang bahagi ng SUV.
Kinumpirma ng pulisya na nakainom ng alak ang drayber ng SUV na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at frustrated homicide.





Comments