Rider tinepok ng riding-in-tandem
Pabs Hernandez III
Feb 15, 2019
1 min read
MAGUINDANAO—Isang rider ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Limbo, Sultan Kudarat sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Julius Ebus, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na nakasakay sa kanyang motorsiklo si Ebus nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakalulan din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments