Pulis na tulak nanlaban, dedbol

BULAGTA ang isang dating pulis nang manlaban umano sa buy-bust operation sa Pulilan, Bulacan.
Tinukoy ni Senior Supt. Chito Bersaluna, ang suspek na si dating PO3 Rowell Reynon alyas Balat, na nasibak sa serbisyo at nasa drug watchlist ng Pulilan Municipal Police Station.
Si Reynon ay miyembro rin umano ng tinaguriang “Alabang Boys” na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa nasabing lugar ngunit, residente ng bayan ng Guiguinto.
Una nang ikinasa ng pulisya ang operasyon laban sa suspek ngunit, sa gitna ng transaksiyon ay nakatunog umano ito na mga awtoridad ang kanyang napagbentahan.
Agad umanong nagpaputok ng baril ang suspek kaya napilitang rumesbak ang pulisya.
Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, itim na motorsiklo at bag.





Comments