Maguindanao nilindol

NIYANIG ng Magnitude 4.1 na lindol ang Maguindanao at iba pang bahagi ng Mindanao kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa layong 50 kilometro ng timog-kanluran ng Cotabato City alas-10:37 ng umaga.
May lalim na 21 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity III sa Cotabato City, gayundin sa mga bayan ng Kalamansig at Lebak sa Sultan Kudarat.
Intensity I naman ang naitala sa Zamboanga City.
Wala ng inaasahan ang Phivolcs na pinsala o aftershocks kasunod ng lindol.





Comments