top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

GO AT WONG, NAMUNO SA ATENEO WIN SA D-LEAGUE

  • A. Servinio/VA
  • Feb 15, 2019
  • 2 min read

BINUKSAN ng Cignal-Ateneo ang 2019 PBA D-League sa pamamagitan ng isang 103-75 na paglampaso sa Go-For-Gold-Saint Benilde kahapon sa Ynares Sports Arena. Nagpaulan ng pinagsamang siyam na tres sina Isaac Go at Adrian Wong para sa Blue Eagles na dumating na may siyam na manlalaro lang.

Pagkatapos ipasok ng Go-For-Gold ang unang puntos ng pangalawang quarter, sinagot ito agad ng 12 sunod-sunod na puntos ng Cignal na hindi na sila lumingon pa. Unti-unting lumayo ang pagitan ng dalawang koponan at ang huling talaan ay siya ring pinakamalaking lamang ng Ateneo.

Namuno sa panalo si Go na may 21 puntos buhat sa apat na tres. Sinundan siya ni Wong na may 17 puntos buhat sa limang tres habang nagtala ng double-double si Ange Kouame na 13 puntos at 18 rebounds.

Ginawa ni Justin Gutang para sa GFG ang 11 ng kanyang 21 puntos sa ikatlong quarter. Sumunod si Yankie Haruna na may 11 puntos ngunit wala nang ibang Scratcher ang naka-10 o higit pang puntos.

“This isn’t how we play in the UAAP. We’ll press a lot more, we’ll do a lot of other things that we really can’t do when our numbers are down. So offensively, I was surprised, we played pretty well,” pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin. “We’re not doing a lot really, but the guys played very efficiently and that’s a good thing.”

Nagparamdam din para sa Ateneo si Ivorian slotman Kouame na nagtapos na may double double 13 puntos at 18 rebounds, bukod pa sa 4 na blocks, at 2 steals.

Maglalaro sa unang pagkakataon ang D-League sa bagong Paco Arena sa susunod na Lunes. Tampok ang laro ng UST at Batangas-Emilio Aguinaldo College sa 2:00 p.m. at susundan agad ng SMDC-National University at Cha Dao-Far Eastern University sa 4:00 p.m CIGNAL (103) – Go 21, Wong 17, Ma Nieto 14, Kouame 13, Mi Nieto 9, Navarro 9, Belangel 9, Daves 6, Credo 5. GO FOR GOLD (75) – Gutang 21, Haruna 11, Belgica 9, Pasturan 8, Naboa 7, Young 6, Dixon 6, Carlos 5, Leutcheu 2, Nayve 0. Mga laro sa Lunes (Peb.18) – Paco Arena: 2:00 UST vs. Batangas-EAC 4:00 SMDC-NU vs. Cha Dao-FEU.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page