top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gahiganteng campaign poster na may mukha ni P-Du30 binaklas din, lagot...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 15, 2019
  • 2 min read

USAP-USAPAN SA MUNDO NA WA­LANG PRESS FREEDOM SA PILIPINAS —Kung sinuman ang nag-utos sa NBI na dakpin si CEO Rappler Maria Ressa para hindi ito ma­ka­pagpiyansa at upang makulong, sablay ‘yan!

Nag-react na rin sa isyung ‘yan ang mga international media, kabi­lang si CNN host Chris­tiane Amanpour na bumatikos sa Duterte gov’t. na nagresulta upang pag-usapan sa mundo na wala na raw press freedom sa Pilipinas.

Para sa kaalaman ng publiko, ang bansang walang press freedom, ang tingin d’yan ng mun­do ay bansang pinama­mahalaan ng diktador na gobyerno at ang foreign investors, hindi engot ang mga ‘yan para mag­tayo ng negosyo sa bansang pinamumunuan ng diktador na pangulo, period!

◘◘◘

BAGO PALITAN ANG PANGALAN NG PI­LI­PINAS, IPAG­LA­­BAN MUNA ANG SOBERANYA NITO LABAN SA CHINA —Ayon kay Senatorial candidate Neri Col­me­­na­res ng Bayan Muna, dapat daw bago palitan ang pangalan ng Pilipi­nas at gawin itong Ma­har­lika, ipag­tanggol muna ng Du­ter­te gov’t. ang soberan­ya ng bansa laban sa China.

May punto si Col­me­nares sa sinabi niya, nagpapanggap na maka­bansa si P-Duterte, pero ang ikinikilos at luma­labas sa bibig nito ay pagmamahal sa China, dahil ilang beses na rin sinabi ng pangulo na love niya ang China at si Pres. Xi Jinping, boom!

◘◘◘

COMELEC, BA­KA MALINTIKAN KAY P-DUTERTE KASI PATI MUKHA NIYA SA POSTER NA KASAMA SI “BONG” GO, BINAKLAS—Nag­sagawa na ng pag­babaklas ang Comelec sa mga naglalakihang poster ng mga kandidato sa pagka-senador at partylist na ikinabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Naku, baka magalit si P-Duterte sa Comelec, kasama sa binaklas ay ang mga gahiganteng poster na magkasama ang mukha nila ng “paborito” niyang senatorial candidate na si ex-SAP “Bong” Go, he-he-he!

◘◘◘

BALIK SMUGGLING SA BUREAU OF CUSTOMS ANG MAG-INANG ‘TINA U’ AT ‘BEBANG’—Balik-operasyon na naman daw sa kanilang raket na smuggling ang mag-inang “Tina U” at “Bebang.”

Kailan kaya ipag-uutos ni Bureau of Customs Commissioner Leo­nardo “Jagger” Guer­rero na ipa-”tokhang” ang mag-inang ito para matigil na ang raket nila sa Adwana? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page