top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

'Diskarteng Marcos', bebenta sa mga botante

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2019
2 min read

NAGTATAKA tayo kung anu-ano ang plataporma de-gobyerno na isinusulong ng mga kandidato sa pagka-senador, pero walang nagsusulong ng “11 major industrial projects” na tinangkang ipatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang Marcos industrial revolution ay isa nang epektibong plataporma de-gobyerno, pero hindi ito pinapansin ng mga kandidato!

◘◘◘

MITHIIN ng 11 industrial projects ni ex-P-Marcos na makapagsarili ang Pilipinas at hindi umaasa sa importasyon ng malalaking makina sa ibang bansa.

Ilan sa popular proyekto na tinangka ni ex-P-Marcos ay ang copper smelter at aluminum smelter.

Gamit ito sa paggawa ng bakal na magagamit sa pagbuo ng mga heavy equiptment!

◘◘◘

KASAMA sa tinangka ni ex-P-Marcos ang diesel engine manufacturing, heavy engineering industries, integrated steel projects at cement industry expansion.

Kung naipatupad ang mga proyektong ‘yan, tiyak na isa nang ganap na “tiger economy” ang Pilipinas!

◘◘◘

SINIKAP ni ex-P-Marcos na makaiwas sa pag-angat ng mga gamit pang-agrikultura na magpapalaki ng ani at hindi aasa sa imported fertilizers.

Isinulong nito ang paggawa ng pabrika ng phosphate fertilizers, petrochemical complex at coconut industrial rationalization!

◘◘◘

TINANGKA rin ni ex-P-Marcos ang pagpapagawa ng integrated pulp and paper mill at maging sa pagsusulong ng alcogas.

Sa ngayon, umaangkat pa ng papel ang Pilipinas sa ibang bansa at ang bio-diesel ay alipin pa rin ng importasyon!

◘◘◘

MAHALAGANG maalala natin si ex-P-Marcos ngayong midterm elections.

Kailangan natin ang “diskarteng Marcos” sa Senado!

◘◘◘

KAHIT ang isinusulong na pagpapalit sa pangalan ng Pilipinas tungo sa “Maharlika” ay orihinal na “diskarteng Marcos”.

Kailangan mamulat ang mga Pinoy na ang lahing kayumanggi ay mga “Digong, este, “Dugong Maharlika”!

◘◘◘

KAILANGANG mamulat ang mga botante sa mga kandidatong nagsusulong ng ideolohiyang tunay na maka-Pinoy.

Ang pagtindig sa sariling mga paa at maging independiente ay siyang mithiin ng diskarteng Marcos!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page