Beybi nalitson

HALOS sunog na nang matagpuan ang tatlong buwang sanggol na babae makaraang masunog ang kanilang bahay.
Kinilala ang biktima na si Alex Cabil.
Ayon kay Supt. Paul Pili, batay sa pahayag ng ama ng biktima na si Madrid, iniwan niya ang kanyang dalawang anak kabilang ang sanggol sa loob ng kanilang bahay dahil bibili siya ng ulam habang ang ina ng mga ito ay nagte-training sa pagiging call center agent.
Sumiklab umano ang sunog na nagmula sa kanilang kapitbahay at nakatakbo palabas ang isa sa mga anak na nakaligtas habang naiwan ang sanggol.
Sugatan si Madrid dahil tinangka niyang iligtas ang bunsong anak subalit, huli na dahil kasama na itong natupok ng apoy.
Nasa 10 bahay ang nilamon ng apoy at nasa 29 pamilya ang nawalan ng tahanan. Aabot sa P200,000 halaga ng mga ari-arian ang napinsala. Ayon sa BFP, patuloy nilang iniimbestigahan ang naturang insidente.





Comments