4 dedbol sa stampede
NASAWI ang apat katao matapos ang stampede sa kalagitnaan ng pagpoprotesta sa Nigeria.
Batay sa impormasyon, sinubukang sundan ng mga tao ang convoy ni President Muhammadu Buhari nang pumasyal ito sa Port Harcourt City sa River State na naging dahilan para maganap ang insidente.
Gayunman, maraming indibidwal ang isinugod sa pagamutan matapos ang stampede.
Ayon sa River State Police, posible pang tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil nasa kritikal na kundisyon ang ilang biktima na isinugod sa pagamutan.





Comments