WILL TO WIN-MAGTOTOBETSKY SA 1ST PICK 5, MULTI AWARDEE

MAGANDANG laban ang matutunghayan ng ‘Bayang Karerista’ sa pagtikada ng karera kasabay ng carry-over sa Pick 6 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May pitong karerang bubunuin sa SLLP na paglalabanan ng 3 Year Old Group Race, Group Race Condition Race at 3 Year Old and Above Maiden Race na kapapalooban ng P588,236.07 carry over sa Pick 6 at P27,746.00 Carry Over sa Super Six.
Magsisimula ang karera dakong ala-7:00 ng gabi at sisimulan ang 1st.Pick 5 sa Race 1, na paglalabanan ng kabayong Will To Win at Magtotobetsky. Susundan ng Carry Over sa Pick 6 sa Race 2 na paglalabanan naman ng 10 mananakbo at pinapaboran ang Providence at Reigning Jewel at pandehadong si Princess Tin.
Ang 2nd Pick 5 ay magaganap sa Race 3, na paglalabanan ng mga kalahok na Kinagigiliwan, Mapaghinala, Richko, Plug Ceremony, All the Time, Director’s Ledgold, Storm Goddess, Princess Glory at Apollo of Aquila. Iminumungkahi kong kunin ang Kinagigiliwan at Plug Ceremony at pandehado ang Storm Goddess.
Ipinapatok sa race 4 ang Resilient Creed at pamoste sa 4 Pick 4, at entry no.2 para sa forecast.
Nakalalamang ang Multi Awardee laban sa Doktora at Gentleman Jim para sa mga dehadista sa Race 5. Mahigpit na maglalaban ang Backdoor Cover, Glitter Face at Highway Hills sa Race 6.
Sa Race 7, magsisilbing paratingan sa Pick 4, Pick 6 at Pick 5 ang mga kalahok na Easy Landing at Maka Karen at Trust Worthy. Tip ni Mang Ding Race 1- Will To Win (1) Magtotobetsky (5) Race 2- Providence (4) Reigning Jewel (8) Race 3- Kinagigiliwan (1) Plug Ceremony(4) Race 4- Resilient Creed (5) Amelia (6) Entry No.2 Race 5- Multi Awardee (5) Doktora (2) Race 6- Glitter Face (2) Backdoor Cover(4) Race 7- Easy Landing (4) Maka Karen (9) Trust Worthy(7)





Comments