top of page

Tiniyak ng PNP | 701 ELECTION HOTSPOTS, KAYA

  • Jeff Tumbado
  • Feb 14, 2019
  • 1 min read

SINIGURO ng Philippine National Police (PNP) na sapat ang puwersa nito upang matutukan ang 701 election hotspots sa bansa.

Ayon kay Senior Superintendent Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, maliban sa 192,000 tauhan ng Pambansang Pulisya, may karagdagang puwersa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang magarantiyahan ang mapayapang halalan sa Mayo.

“Nakahanda ang buong hanay ng kapulisan. Sa ngayon, mayroon tayong 192,000 strong Philippine National Police at katulong natin diyan ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines lalo na doon sa areas of grave concern, doon sa southern part sa Mindanao,” pahayag ni Banac.

“Nakahanda ang ating puwersa at sapat ang ating bilang upang tugunan ang seguridad nitong eleksiyon na paparating,” dagdag nito.

Nauna nang idineklara ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na natukoy ng pulisya ang 701 election hotspots kung saan 94 sa mga ito ang nasa kategoryang red o areas of grave concern.

Sinabi pa ni Banac na maaaring magbago ang bilang ng mga lugar na magiging bantay-sarado sa eleksiyon, depende sa kanilang magiging assessment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page