top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PBA VALENTINE BREAK: GILAS NAGHAHANDA SA FIBA CUP

  • Alvin Olivar
  • Feb 14, 2019
  • 2 min read

PATULOY ang suporta ng PBA sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers sa pansamantalang pagtigil ng laro ng liga simula ngayong araw.

Ang laban kahapon sa Mall of Asia Arena ay ang huling doubleheader ng Philippine Cup bago pumasok ang dalawang linggong break para sa preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa darating na World Cup qualifiers.

Magbabalik ang aksyon sa PBA Philippine Cup sa Pebrero 27 sa Smart-Araneta Coliseum kung saan magha­harap ang Meralco at Colum­bian at Phoenix Pulse at NorthPort. “There’s no turning back in our support for the national team. Sabi ko nga ang PBA all-out support yan sa Team Pilipinas,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.

Nagsasanay ang Pilipinas para sa kani­lang mga laro kontra Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan sa Pebrero 24. Ang parehong laro ay gaga­napin sa labas ng bansa. Kailangang manalo ng Gilas Pilipinas sa dalawang laro dahil sa kanilang 5-5 na kartada sa Group F.

Sa kasalukuyan ay sila ay nasa pang-apat na pu­westo sa team standings. Tanging ang top three na ko­ponan sa Group E at F ang papasok sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China. Aalis patungong Do­ha ang koponan sa Saba­do.

Samantala, ikinatuwa ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao ang naging takbo ng ensayo ng koponan no­ong nasa bansa si Andray Blatche.

Umalis patungong China si Blatche matapos mag-ensayo ng 10 araw sa Gilas Pilipinas.

Makakasama na uli ng koponan si Blatche sa Sa­bado patungong Doha kung saan makakaharap ng pam­bansang koponan ang Qatar sa Pebrero 21 at Ka­zakhstan sa Pebrero 24.

Para kay Guiao, sapat na ang panahon na matutuhan ni Blatche ang sistema ng Gilas Pilipinas sa kanyang pagbabalik sa pambansang koponan.

“Palagay ko naku­ha na niya. Kahit noong pina-practice namin siya with NLEX, he has a very good understanding of the system already. Siya mismo nagsa­sabi na gusto niya ‘yung sistema and he can get used to it very easily. Importante rin na gusto niya. Mas mahi­rap sa isang tao na turuan ‘yung isang bagay na hindi niya gusto. At least siya, gusto niya. He is making an effort to learn,” saad ni Guiao.

Inaasahan ng koponan na malaki ang maibibigay ni Blatche sa pag-asa ng Pilipi­nas na masungkit ang pu­wes­to sa FIBA World Cup. May 5-5 na kartada ang Pilipinas sa Group F ng qua­lifiers at kailangan ng Gilas na maipanalo ang dala­wang laro para makapasok sa World Cup.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page