top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

NON-MASTERS, NAKA-TRONO SA WEST CRAME RAPID CHESS

  • Eddie M. Paez, Jr
  • Feb 14, 2019
  • 1 min read

NAITAKAS ng mga dehadong apisyonado ng pas­pasang ahedres sa mga kategorya ng non-masters at ng kiddies ang korona ng 2019 West Crame Chess Club Rapid Chess Tourna­ment sa Alphaland South­gate Mall sa Makati.

Nasa pang 32 na bay­tang lang sa pre-tournament seedings ang 17-anyos na si Francis Roi Parro dahil sa mababang rating na 1932 pero matagumpay itong na­kapanalasa ng anim na mga panalo at isang draw patu­ngo sa pag-akyat sa trono.

Kasama sa mga nakati­kim ng bangis niya sa pitong yugtong kategorya ng mga non-masters sina John Matthew Alvarado (round 1), John Jherlet Hollero (round 2), Don Don Israel Bausas (round 3), Joel Del­fin (round 4), Angel Tam­bong Jr. (round 5) at Rev Gabriel Sebolino (round 6) bago nakipaghatian ng pun­tos kay Paul Sanchez sa hu­ling round ng paligsahang umakit ng 141 woodpus­hers.

Kalahating puntos sa li­kod ng 6.5. puntos at ng kanyang 2282 performance rating ay ang anim na kata­ong pulutong na binubuo nina Paul Sanchez, Virgilio Alba, Joel Delfin, Manasseh Jao, Tambong at Mark Louie Velasco. Nang pairalin ang tuntunin sa tiebreak, nakuha ni Sanchez ang 2nd place samantalang si Alba ang na­kakopo ng pangatlong po­sisyon.

Nanggulat din si 19th ranked Mar Aviel Carredo, 7-anyos, nang kumaripas sa kampeonato ng kiddies’ sa tulong ng apat at kalahating puntos pagkatapos ng 5 rounds at ng superior na tiebreak output. Ginawa ni­yang tuntungan para sa titulo ang pagpapayuko kina Ni­cholas Johann Chan (round 1), Andrea Cristine Magura (round 2), Juliana Baltazar (round 3) at Joshua Baldera (round 4) at ang pakiki­pag­hatian ng puntos kay Dennis Jocel Mendoza (round 5) sa kategoryang nilahukan ng 59 pawnpushers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page