Ngayong balik-'Pinas na… MAINE, IPINAGSIGAWAN ANG NA-MISS NIYA
- BULGAR

- Feb 14, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAKABALIK na ng bansa si Maine Mendoza mula sa MAC event sa New York. Mababasa ang tweet niyang, “Back in Manila! Nakaka-miss ‘yung init (barangay girl here) pero ‘yung traffic hindi!”
Si Alden Richards naman ang wala sa bansa dahil umalis ito last Tuesday, lumipad sa dream destination niyang Iceland. Sa Monday (February 18) daw ang balik ni Alden at ng kanyang kasama na close friend niya sa Eat...Bulaga!.
Siguradong kasama sa itinerary nina Alden ang location ng Game of Thrones dahil nabanggit niya minsan sa isang interview na this 2019, gusto niyang pumunta sa Iceland at Croatia para makita ang Westeros, isa sa four continents ng GOT at ang King’s Landing na nasa Dubrovnik, Croatia. Hindi lang namin alam kung didiretso si Alden at ang kanyang kasama sa Croatia.
Pagbalik ni Alden, may mga out of town invitations sa kanya at ito muna ang pagkakaabalahan niya bago ang ibang project.





Comments