Kaya make sure na dehins ka magpapakabog, lodi! 8 tradisyon ng pagse-celebrate ng valentine’s day!
- BULGAR

- Feb 14, 2019
- 3 min read

HAPPY Valentine’s Day, mga ka-BULGAR!
Super bilis talaga ng panahon, imagine nasa highlight na agad tayo ng love month? OMG!
Kasabay nito, curious ba kayo kung paano isine-celebrate ang Araw ng mga Puso around the world? Well, ngayong araw, ise-share natin sa inyo ang iba’t ibang interesting traditions ng Valentine’s Day sa buong mundo:
1. FRANCE. Pinaniniwalaang nag-umpisa raw ang Valentine’s Day sa bansang ito kung saan may French Village rito na tinatawag na “Valentine”, ang nagiging epicenter ng pagmamahalan sa pagitan ng Feb. 12 hanggang Feb. 14. Napupuno ang lugar na ito ng iba’t ibang Valentine décor tulad ng love cards, pink roses at kung minsan ay may marriage proposals pa. Super romantic talaga!
2. ARGENTINA. Hindi totally nagse-celebrate ng Valentine’s Day ang Argentians, pero mayroon silang tinatawag na “the week of sweetness” tuwing July. Ito ang araw kung saan nakatatanggap sila ng chocolates at iba pang sweets mula sa kanilang mga minamahal. Sinasabi rin na nag-umpisa lamang ito bilang commercial invention, pero kalaunan ay naging tradisyon na sa bansa. Ayos din!
3. SOUTH KOREA. Ang mga romantic couple naman sa SoKor ay nagse-celebrate ng “love thingy” tuwing Pebrero 14. Totoo, marami silang mga paandar tulad ng “the day of roses” tuwing May, “the day of kisses” naman tuwing June, “the day of hugs” tuwing December at para sa mga single, mayroon silang “the black day” tuwing April at kasabay nito, kumakain sila ng black noodles. Oh, ha? Panis!
4. PHILIPPINES. Siyempre, hindi patatalo ang mga Pinoy, mayroon din tayong tradisyon tuwing Valentine’s Day. Siguro naman, pamilyar na tayo sa mga Kasalang Bayan ni mayor? Yes, sponsored ito ng gobyerno bilang form of public service kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga live-in couple na maikasal. Okidoki?
5. GHANA. Tinatawag na “National Chocolate Day” ang araw na ito sa kanila. Pakulo raw ito ng kanilang gobyerno para makahikayat ng mataas na bilang ng turismo dahil kilala rin ang Ghana bilang isa sa pinakamalaking producing country ng cocoa sa buong mundo. Amazing!
6. SPAIN. Ang Araw ng mga Puso sa Spain ay tumatapat tuwing ika-9 ng Oktubre. Kilala ito bilang feast of Saint Dionysus. Ang festival na ipinagdiriwang sa maraming lugar sa Spain sa pamamagitan ng paggawa ng ‘macadora’ o marzipan figurine.
Ang figurines na ginagawa ng kalalakihan ang magsisilbing regalo nila para sa kababaihan na kanilang napupusuan. Kaya sa mga frenny natin diyan na Española, abang-abang na kayo, char!
7. SOUTH WEST CHINA. Sa Miao, South West China, isine-celebrate ang “Sisters’ Meal” tuwing March 15. Sa festival na ito, ang kababaihan ay nagsusuot ng silver accessory at magagandang kasuotan.
Nagluluto sila ng iba’t ibang putahe at colored rice na inilalagay sa silk fabric na ino-offer nila sa kalalakihang dumaraan.
Mayroong mga bagay ang nakalagay sa silk fabric at colored rice, halimbawa, kapag dalawang chopsticks, ibig sabihin, in love sila sa taong ‘yun. Ganern!
8. JAPAN. Kakaiba naman ang selebrasyon ng Valentine’s Day para sa mga Hapon dahil ang mga babae ang bumibili ng mga regalo at nagbibigay ng tsokolate sa kanilang hubby. Gayunman, bumabawi naman ang kalalakihan dahil tuwing March 14, sila naman ang nagbibigay ng gifts at chocolates sa kanilang wifey na tinatawag na “white day”. Kawai overload!
Anuman ang status natin ngayon — single, taken o complicated, wapakels muna at sabay-sabay nating pusuan ang Araw ng mga Puso, kahit saanman tayong bansa naninirahan.
Maligayang Araw ng mga Puso!
Lots of love! He-he-he!





Comments