top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kandidatong magtutuloy ng war on drugs, bebenta sa publiko

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2019
2 min read

HAPPY Valentine’s Day sa magkaka-partner.

Anti-V-Day sa mga walang dyowa!

◘◘◘

PULA ang kulay ng dugo.

Ibig sabihin, kulay pula rin ang simbolo ng war on drugs!

◘◘◘

SA totoo lang, mala­king isyu ngayong 2019 Midterm Elections ang anti-drug campaign.

Marami ang natu­tuwa kay P-Digong dahil aktuwal na nawala, naglaho sa kalye ang mga adik at pusher!

◘◘◘

HINDI lang tulak ang tinutugis, inaaresto at natotodas sa war on drugs kundi maging ang mga kakutsabang police officer.

Ito ang dahilan kaya epektibo ang war on drugs!

◘◘◘

KINOPYA ng Indonesia at ngayon ay Sri Lanka ang war on drugs ni P-Digong.

Gusto rin kopya­hin ito ni U.S. President Donald Trump!

◘◘◘

LAHAT ng barangay sa buong bansa ay nakaramdam ng war on drugs kasi aktuwal nilang nasaksihan kung paano sumuko, natakot ang mga kriminal at maging ang mga iskala­wag na pulis.

‘Yan mismo ang kinokopya ng iba’t ibang bansa.

Hindi pinag-uusa­pan dito ang “human rights” violation” na isang propaganda la­mang ng mga “espi­ya” ng ibang bansa upang guluhin ang umiiral na gobyerno!

◘◘◘

KUNG sinong kan­didato ngayong 2019 Midterm Elections ang magtutuloy ng war on drugs, walang duda na hahakot at kokopo ito ng boto.

Ibig sabihin, lehiti­mong isyu ang war on drugs upang magwagi ang kandidato nga­yong 2019 Senatorial Elections!

◘◘◘

TANGING ang issue sa illegal drugs ang espesipikong “platapor­ma” na nauunawaan at nararamdaman ng mga botante.

Ang isyu sa eko­nomiya, korupsiyon, enerhiya at iba pa ay “gasgas” nang isyu sa halalan!

◘◘◘

NAKARATING sa Malacañang si P-Di­gong sa isang platapor­ma ng war on drugs.

Kailangang iboto ang mga kandidato na magpapatuloy ng giyera kontra droga, wala nang iba pa.

Period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page